Gantala
Ang Diary ni Joaquina
Sa pagsusulat natagpuan ni Joaquina ang kanyang sarili, ang kanyang nais, at ang kanyang gustong tahakin bilang babe. Puno siya ng mga pangarap para sa sarili at sa sinisintang si Vicente.
Pagbalik sa asyenda, natapos na ang kanyang mga pangarap na itinala sa kanyang talaarawan. Nakatala na tulad ng kanyang mga kataga ang kanyang tadhana — ang maging isang mabuting maybahay sa lalaking hindi naman niya iniibig.
Isang umaga ay bumungad kay Joaquina ang napakaraming bulaklak sa simbahan. Sa dalawang uri lang ng pagdiriwang siya nakakakita ng maraming bulaklak — sa mga kasalan at sa burol ng patay.
At nang binasbasan sila ng pari at sabihing panghabangbuhay silang magsasama sa hirap at ginhawa ni Pedrito, pakiramdam ni Joaquina ay ibinuburol na siya at para na ring ibinigay sa kanya ang huling sakramento.
Couldn't load pickup availability