Skip to product information
1 of 1

UST

Galaw ng Asoge (Isang Nobela)

Regular price ₱685.00
Sale price ₱685.00 Regular price
Sale Sold
Tax included.

Ang taon ay 1965. Katatapos pa lamang ng halalang pampangulo. Natalo ang kandidatong tinangkilik ng pamilya Ortiz, at ngayon ay dapat nilang harapin ang kalalabasan nito sa kanilang buhay. Alam ni Carlos Ortiz, ama ng pamilya, na ang kanilang kayamanan at kapangyarihan ay nanganganib na mabawasan o mawala sa ilalim ng isang pamaha- laan na kanyang itinuturing na mapagsamantala at walang pagtingin sa karapatan ng mga mamamayan.Dahil sa karamdaman ni Carlos, ang kanyang anak na si Amado ang napilitang mamahala sa kanilang negosyo. Nguniʼt hindi handa si Amado—isang makata at romantiko—mahina ang kanyang loob, mabagal magpasiya, at mahilig managinip. Subaliʼt kailangang matuto siya kung ililigtas niya ang kanilang negosyo at pangalan.Inilalahad sa nobelang Galaw ng Asoge ang diwa at damdamin ni Amado Ortiz habang siya ay nakikilahok sa isang laro ng buhay at kamatayan. Kasabay nito ang mga pangyayari tungkol sa isang kasal na hindi natuloy, dalawang pagpapatiwakal, pagsabog ng isang bomba at ng isang bulkan, mga lihim na kataksilan ng pag-ibig, kadakilaan ng mga maralita, kabaliwan, at isang multong barko.Tiyak na babaguhin ng Galaw ng Asoge ang patutunguhan ng nobelang Tagalog sa malapit na hinaharap. Ang May-akda Si Cirilo F. Bautista, na sumusulat sa Ingles at Tagalog, ay nagkamit na ng maraming gantimpala at parangal sa larangan ng panitikan. Kabilang dito ang Centennial Literary Prize buhat sa Pamahalaan ng Pilipinas, ang Palanca Hall of Fame Award, ang Patnubay ng Sining at Kalinangan bu- hat sa Lungsod ng Maynila, ang Gawad Manuel L. Quezon buhat sa Lungsod ng Quezon, ang Gawad Surian sa Tula buhat sa Surian ng Wikang Filipino, at ang Roman Prize for the Novel buhat sa Roman Foundation. Ang kanyang mga tula at kuwento ay naisalin na sa wikang Hapon, Intsik, Bahasa, Bulgaria, at Dutch. Hinahati niya ang kanyang panahon sa pagitan ng Quezon City at Baguio City.