Skip to product information
1 of 1

Gantala

Interregnum: Maiikling Kwento

Regular price ₱330.00
Sale price ₱330.00 Regular price
Sale Sold
Tax included.

Mahalaga sa isang manunulat ang versatility. Masaklap kapag iisang kuwento lang ang maisusulat, o iisang kuwento lamang ang kayang maisulat. Sa fabulation ni Mixkaela Villalon, ang mga kuwentong bayan na dati na nating alam ay ipinakikilalang muli.

Nakikilala nating lahat si Paquito, ang pangulo ng Pilipinas sa kuwento, dahil ang kuwentista’y may ibinatong susi sa atin at tayo’y nakapasok. Kinilala ng awtor na construct ang bayan, kaya puwedeng sabihing “may Pilipinas kung saan ang lahat ng kalsada ay dyamante” at “ang Pilipinas ay kung saan nagkakaintindihan ang mga tao sa pamamagitan ng kanta”. Sa fiksiyon ni Villalon para ka na ring nagbabasa ng development report at cultural profile planning pero dinaraan niya ito sa pananalinghaga. Alam ni Villalon na ang credibilidad at factuality ng mga ulat ay nababaluktot katulad ng mga pangako.

– Mula sa Introduksiyon ni Luna Sicat Cleto