U.P PRESS
Isang Dekadang Resty
Anim na taong gulang si Resty sa simula ng kumento. Labing-anim na taong gulang siya sa pagtatapos nito. Ang tatay niya, construction worker. Ang nanay niya, dating heartthrob sa baryong pinanggalingan, at dahil salat sa pera, ngayon ang ganda ay natutuyot na. Si Resty. masayahing bata. Laging handang makipaglaro. Handang makisama. Pero ang kuwento niya, kuwento ng paulit-ulit na paalam. Kuwento ng maraming paglisan. Dahil walang permanenteng malugaran. Dahil sa ibang ibayo, palaging may naghihintay na maaaring ikabuti kumpara sa kasalukuyang kinalalagyan. Ang dito na puwedeng kahit saang nakalimutang sulok at naiwan sa laylayang parte ng kapuluan. Sa loob ng isang dekada, bibiyayaan ang ating bida ng sanga-sanga at walang-pahingang mga naratibo ng pagkamulat.
Source: University of the Philippine Press
Couldn't load pickup availability
