U.P PRESS
Pamamahay: Mga Sanaysay
Angkop na angkop ang piniling salita para kumatawan sa proyekto ng koleksiyon. Una, dahil sinusundan ng magkakawing na mga sanaysay ang paglalakbay ni Barrameda mula sa isang bahay patungo sa mga kasunod. Naimamapa ng aklat ang pagsisikap niyang makaugnay at mapabilang sa isang espasyo bagama’t paulit-ulit na nagpapawalay. Partikular ang mga sirkumstansiyang nagdadala sa kaniya sa mga bahay at ang tugon niya sa bawat pagkakataong “mamahay” ay pagmamapa rin ng kaniyang kamalayan. Nakikilala ng mambabasa ang kaniyang pag-aangkop sa kung paano siya nilulugar ng iba’t ibang salik panlipunan upang gampanan ang iniaatang sa kaniyang mga tungkulin, bilang bata, bilang anak, bilang apo, bilang kapatid, bilang teenager, bilang kapitbahay, bilang mamamayan. Hindi ito pananahan, na posibleng magpahiwatig ng paghinto dahil kampante na; bagkos, isa itong pamamahay, nananahan sa paulit-ulit na pagkatiwalag, sa pagka-hindi-mapalagay, sa paroo’t parito ng kamalayan kahit sa pananatili.
– Allan Popa
Couldn't load pickup availability
