Pumipintig sa Pasasaan--ang kagila-gilalas na matulaing talambuhay ni Jesus Aman Calvario--ang matinding danas sa pag-ibig at pighati. Sa lahat ng ito, walang takot niyang ikinukuwento ang laman ng kaniyang puso at utak. Mararamdaman na lamang ng mambabasa na inihagis na pala ito sa kanya ng awtor at sapo-sapo ngayon ang dugo, pawis, at luhang sumibol mula sa kaibuturan ng isla ng Patnanungan. Isasama niya ang mambabasa sa lundo at salukay ng pangangarap, pagmamahal, kapilyuhan, at madalas ng panggigipuspos, kundi man matinding pagsisikap na maalpasan ang burak. Sa kabila ng kadiliman, at sa gayon ay maaaninag sa mga salita ang liwanag na hinahangad nating lahat.
--Joey Baquiran, manunulat