ISTORYA STUDIOS, INC.
Responde
Ang Responde ni Norman Wilwayco o mas kilalang Iwa ng kanyang mga kaibigan, ay isang libro na kalipunan ng labing tatlong maikling kwento. Kung saan mas madalas mong mababasa ang jutes, sex, drugs at rak en rol! Haha. Pinakaunang libro nabasa ko mula sa kanya, bagamat libreng idownload ang dalawa pa niyang akda mula sa website nya, hindi ko kayang magbasa ng matagal sa harap ng pc at wala akong ebook gadget dahil hindi ako teki.
Isa-isahin ko ang mga maikling kwento.
Drug War 4 Stars - kakaiba ang phasing ng kwento, makakaenganyong basahin, at nakaka tawa sa huli. Hindi ko alam bakit, natatawa ako sa dulo ng kwento.
Asin Live! 5 Stars - trip na trip ko yung kwento, o kay saklap ng buhay, naalala nung una akong nagkainteres sa musika at nagpabili rin ng gitara, pero hangang ngayon hindi ko mastram ang paborito kong kanta.
Larawan 5 Stars - Isa sa paborito kong kwento sa libro. Love and lost ba ito? Haha. Nakakalungkot na kwento pero napakaganda!
Dangal 5 Stars - Bakit pa kasi nauso ang dangal? Ayun ang saklap tuloy ng nangyari sa kwento. Galing ng kwentong 'to, hindi ko akalain ganun ang mangyayari, wasak!
Kung papaano ko inayos ang buhok ko matapos ang mahaba-habang paglalakbay 4 Stars - Astig! Sana kaya ko rin gawin yon sa mga kano ayaw dito pero dito nag susumiksik sa Pilipinas. Bwahahaha!
Dugyot 4 Stars - Nagustuhan ko ang kwento kasi parang sinasalamin nito ang lugal namin, ang dulo ng eskinita ng bilihan ng bato, sa labas ng eskinita ay may isang parlor ng matandang bakla na nananawag rin ng lalaki, at ang mga tambay sa labas ng kalsada at ang huli ang gulo o away sanhi ng onsehan ng droga.
Imat 5 Stars - Flashback. Pero maganda kwento, naaalala kong yung babaeng hubo't hubad na may pagkukulang rin sa pagiisip na nakita namin sa C5 dati na ngayon ay eksklusibong subdivision na ng DMCI. Ewan anung nangyari sa kaya. May kurot ang kwentong 'to. Tsk
Kahon 4 Stars - Una kong nabasa ito sa pahina ng Tangina This. Maganda ang structure ng kwento, at maganda ang istorya, yun nga lang trahedya.
Mga bagay na wala kami 3 Stars - Badtrip. Anu ba kasing maaasahan mo sa isang balasubas na politiko? Nakakalungkot na kwento na nangyayari lalo na kung nasa rural ka. Naalala ko ang probinsya namin.
Pulutan 4 Stars - Marami kaming alagang hayop. 2 Aso at 7 na pusa, bagamat nakakain na ako ng Aso, hindi ko parin kayang gawin ang ginawa ng charakter sa kwento ang ginawa nya sa kanyang alaga. Kay saklap. Bowow-wow Azucena.
Tony Heart Floren 5 Stars - Perst Lab never dies? Maganda structure ng kwento kahit sa una'y nakakalito, nakakatuwang balikan ang mga huling pahina para pagdikit-dikitin ang kwento. Maganda, Pegebeg.
Trip kong Lumipad 3 Stars - Ako rin gusto kong lumipad at matutunan ang lahat at maging matalino at manatiling may pandama. Malaman ang mga teyorya ng siyensya, makipagdebate tungkol sa mga ideya at maging malayang kaluluwa, pero hindi sa paraan na ninais ni Jack. Gusto kong lumipad.
Sa kabuuan, magandang libro, binasag nito ang mga tipikal na maikling kwento na nababasa ko na mula rin sa atin, kakaibang bokubolaryo, mga wasak na kwento ng masasaklap ang buhay ng mga makamundong tao. Salamat kay Iwa sa mga kwento. Mabuhay ang literaturang Pilipino!
Couldn't load pickup availability
