Skip to product information
1 of 1

UST

Tatlong Dula: Adaptasyon

Regular price ₱795.00
Sale price ₱795.00 Regular price
Sale Sold
Tax included.
  • "D’ Wonder Twins of Boac": Malayang halaw sa "Twelfth Night" ni William Shakespeare. Sundan ang kinahinatnan ng kambal na sina Viola at Bastian, ang wonder twins na naghangad maging mga sikat na artista at humarap sa masalimuot na mundo ng showbiz sa panahon ng katapusan ng dekada sisenta, panahon ng napipintong pagbulusok ng mga kaharian ng mga film studios sa Maynila.
  • Nagwagi ng Best Play Adaptation at Outstanding Original Libretto sa 2014 Philstage Gawad Buhay! Awards.
  • "Tatlong Mariya": Halaw mula sa "Three Sisters" ni Anton Chekhov. Ito ang kwento ng magkakapatid na Ballesteros, na naulila na sa kanilang mga magulang, at naiwan sa dating marangyang tahanan nila sa Ilocos, panahon ng mga unang taon ng Batas Militar. Malungkot na sinusundan ang pagguho ng pangarap at buhay ng tatlong kapatid na Mariya at ang paglayas nila sa bahay matapos makapag-asawa ang bunsong kapatid na lalaki na siyang tutuldok sa dating masayang panahon.
  • Nagwagi ng Outstanding Adaptation at Outstanding Play sa 2010 Philstage Gawad Buhay! Awards.
  • "Arbol de Fuego": Halaw mula sa "The Cherry Orchard" ni Anton Chekhov. Kapilas ng “Tatlong Mariya,” ang tagpuan nitong dula’y inilipat din sa kalagitnaan ng dekada sitenta, panahon ng dikatadura at napipintong pagbulusok ng industriya ng asukal sa Negros. Ang natitirang asyenda ng magkapatid na Jardeleza ay palugi na’t kailangan nang ipagbili. Si Enriquietta Jardeleza-Sofronio ang saksi at biktima sa sariling kasawian nguni’t bulag sa pagbabagong wawasak sa kanilang nakaraan.
  • Nagwagi ng Outstanding Adaptation at Outstanding Play sa 2016 Philstage Gawad Buhay! Awards.