Skip to product information
1 of 1

U.P PRESS

Volto Santo

Regular price ₱555.00
Sale price ₱555.00 Regular price
Sale Sold
Tax included.

Nakasentro ang koleksyon kung paano naaabot ang kabanalan mula sa mga mali at paganistikong paniniwala sa pamamagitan ng ritwal. May malakas na pwersa at hatak ang mga kinaaanibang simbahan/sambahan na lahat ay nanganagako rin ng kabanalan. Sa ganitong sitwasyon, ipakikita ng persona ang pagninilay na kadalasa’y bumabangga sa mga maling paniniwala at isasadula ang hayag at di hayag na pagsasabuhay ng kabanalan sa iba’t ibang anyo at porma ng ritwal at pagsasagawa.

Gayundin, itatanghal din ang iba pang karanasan na taliwas sa konsepto ng kabanalan sa kontemporanyong panahon. Gagamitin din ang mga paniniwala kung paano pagagalingin ang sarili sa mga sakit na balis, kulam at pitik bilang imahen ng paganistikong ritwal na taliwas sa usaping pangkabanalan. Sa ganitong paraan, ilalahad ang pagdalumat sa mga paganistikong paniniwala bilang pwersa sa paghahangad na maabot ng mga persona ang sinasabing kabanalan.

Volto Santo, ay isang mukha kung paano naabot ang kabanalan sa mga maling paniniwala – sinasamantala ang akalang kabanalan sa pagsasadula ng mga paganistikong ritwal para sa pansariling kabanalan.